Thursday, August 28, 2008

... Artistic ...

While deleting all unwanted mails, I found the poem I wrote for the magic 10 before they go back home.

BITIN
--by aedner--

Parang kailan lang
Ang akala ko pangarap nagkaroon ng katuparan
Labing dalawang walang pagkakakilanlan
Bigla nalang naging magkakaibigan

Pagsasamahang unti-unting nabuo
Ngayon biglang hihinto
Mga dating tawanan at gulo
Isang segundo lang biglang guguho

Ngayon sa inyong pagbalik
Kapalit nito saki’y hinanakit
Hindi ko maisip kung paano ipipikit
Mga mata kong pilit kayong inuukit

Ilang araw nalang ako'y maiiwan
Pilit kong lalabanan ang aking kalungkutan
Makikipagsapalaran sa tadhanang naiwan
At sana ay ako’y Kanyang tulungan

Paalam na aking mga kaibigan
Salamat sa lahat ng ating pinagsamahan
Magkikita parin tayo sa ating mga daan
Upang ituloy ang ating nasimulan

No comments: