Wednesday, October 8, 2008

… Mama …

While chatting I heard the song “A song for mama” by Boyz II Men and then suddenly my world stopped. I miss my mom so much because I’m so far away from her; she’s in the Philippines right now. So I decided to create a poem for her.

"MAMA"

Siyam na buwan akong inalagaan at binitbit sa sinapupunan
Lahat ng hirap at pagtitiis ay iyong pinagdaanan
Sa aking pagsilang, puyat at pagod naman iyong naranasan
Gumigising ka ng maaga upang ako’y mapagbigyan

Nalulungkot ka kapag ako’y nasasaktan
Pinipilit akong pasiyahin sa aking kabiguan
Salamat sa mga payo mo’t ang dami kong natutunan
Ikaw ang dahilan kaya ang hamon ay aking nakakayanan

Ikaw ang nagbibigay sakin ng lakas ng loob
At ang aking inspirasyon upang makayanan ang mga pagsubok
Ako’y nagpapasalamat sa Diyos at ikaw ay ipinagkaloob
Na maging aking ina dito sa mundong bilog

Buhay ko ay hindi sapat na kabayaran
Sa pagmamahal at pagaaruga na sa akin ay ipinaramdam
Wala na akong hihilingin pa na ano man
Basta’t andyan kalang, lahat ay kaya kong pagdaanan

No comments: